Itinuturing ngayon na record for the longest marriage for a living couple ang isang Brazilian couple na sina Manoel Angelim Dino at Maria de Sousa Dino na nagpatunay sa kasabihang “love is timeless.”

Si Manoel ay edad 105 habang 101 naman si Maria.

Sa kasalukuyan ay 84 years and 77 days na silang kasal.

--Ads--

Nagpakasal ang couple noong 1940 sa kapilya ng Boa Ventura sa Ceará, Brazil.

Una silang nagkita noong 1936 habang parehong nagtatrabaho bilang mga magsasaka.

Bumiyahe noong panahong iyon si Manoel sa Almeida region na nasa Boa Viagem district para kunin ang shipment ng rapaduras, isang traditional Brazilian candy at doon sila nagkakilala.

Pero wala pang ligawan na naganap at lumipas pa ang ilang taon bago naging sila.

Hindi naging madali ang kanilang pagbuo ng pamilya, pero dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan, naitawid nila ang bawat araw at gabi bilang couple.

Nagkaroon sila ng 13 anak.

Sa ngayon ay mayroon na silang 55 apo, 54 na apo sa tuhod, at 12 apo sa talampakan.

Ang sikreto umano sa kanilang long-lasting marriage at mahabang buhay ay pagmamahal.

Ang record ng kasal nina Manoel at Maria ay na-validate ng website na Guinness World Records, sa tulong na rin ng mga kamag-anak ng dalawa.