Mga kabombo! Paano mo ipapaliwanag ang bagay na na-claim mo ngunit bigo kang mapatunayan?

Paano ba naman kasi, na-claim kasi ng isang kumpaniya na ang kanilang produkto ay “unstealable” ngunit makalipas ang 60 oras na i-purchase ito ay bigla na lang na-steal?

Oh no!!! Hindi kasi makapaniwala si John, 45-anyos, mula Warwickshire, UK, nang madiskubreng nawawala ang kanyang bagong Range Rover 2024 SV Edition One—kahit pa sinigurado sa kanya ng dealership na “hindi ito kayang nakawin.”

--Ads--

Binili niya ito sa Coventry noong December 13, 2024, sa halagang $227,000 (PHP13.3 milyon).

Ayon sa datos, may high-tech security upgrade ito, kaya kampante siyang ligtas ang kaniyang brand new na sasakyan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangkakataon, dalawang araw lamang ang lumipas, tinangay ito mula mismo sa kanyang driveway?

Sa kuha ng CCTV footage, tatlong lalaki ang bumaba sa isang sasakyan bandang ala-una ng madaling araw.

Dalawa ang lumapit sa Range Rover, habang ang isa ay lookout. Sa loob ng 15 minuto, napaandar nila ito nang hindi man lang binabasag ang salamin!

Para kay John, ito ay isang “catastrophic failure” ng security system ng JLR. Ngunit ayon sa kumpanya, hindi nila iko-consider ang anumang claims of responsibility—dahil anila, ang car theft ay laging panganib para sa may-ari ng sasakyan.