BOMBO DAGUPAN – Gaano ba kayo kadalas magkita ng inyong kasintahan?

Sa loob kasi ng tatlong buwan, ay nag babiyaje kada linggo si Xu Guangli mula sa kanyang tinitirahan sa Shandong province, China, papuntang Australia.

Ang 28 taong gulang na si Xu, ay nagkukumpleto ng kanyang master’s degree sa arts management sa RMIT University sa Melbourne.

--Ads--

Labing isang linggo na walang kapaguran ang pagbiyahe ni Xu para hindi ma-miss ang kanyang girlfriend.

Mula August hanggang October 2024, panay ang lipad ni Xu sa loob ng 11 weeks para mag-attend ng single weekly class sa Australia.

Agad din siyang umuuwi sa China pagkatapos ng klase para makapiling ang kanyang girlfriend.

Inaabot si Xu ng tatlong araw kada biyahe.

May paliwanag si Xu kung bakit nauubos ang kanyang week sa pagbiyahe.

Walong taon nang nag-aaral si Xu sa Australia.

Aniya, hindi naman nasasayang lang ang kanyang oras sa pagbiyahe.

Sa pagpunta pa lang niya sa Australia, gumagastos na siya ng 6,700-yuan o PHP54,475.67.

Ang kanyang return flight ticket pabalik sa China ay inaabot ng 4,700-yuan o PHP38,214.27.

Kapag nasa Melbourne, nakikitulog na lang siya sa salas ng bahay ng isang kaklase para makatipid.

Kasama ang taxi at pagkain, sa kabuuan ay gumagastos si Yu kada linggo sa kanyang travel ng halos PHP100,000.

Bagaman at mas magastos ang pagko-commute, worth it naman daw para kay Xu.

Pinuri siya ng mga ito dahil sa kanyang dedikasyon sa girlfriend at tiyaga sa pag-aaral.