Sa halip na makipag sagupa muli kay dating undefeated American boxer Keith Thurman ay mas mainam na ituloy na lang ang hinihintay na rematch sa pagitan ni Floyd Mayweather Jr. at Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Morts Ortigoza, kilalang boxing analyst dito sa lungsod ng Dagupan, sinabi nito na mas sikat pa rin si Mayweather kay Thurman kaya dapat ito na lang ang piliin ni Pacquiao na sunod niyang makakalaban.

Ngunit inamin naman ni Ortigoza na isa pa ring ‘dangerous boxer’ si Thurman kaya posibleng talunin niya si Pacman kung sakaling matuloy ang rematch ng dalawa. Kung matatalo lang din naman aniya si Pacquiao ay mas magandang kay Mayweather na lang dahil mas kilala itong boksingero.

--Ads--
voice of Morts Ortigoza

Ayon pa kay Ortigoza, posible pang magkaroon ng limang laban si Pacquiao dahil malakas pa rin naman ito.