Iniutos umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaaresto kay dismissed Pol.Col. Eduardo Acierto dahil sa nalaman nito ang di umanoy pagkasangkot nina former Presidential Economic Adviser Michael Yang at Allan Lim sa illegal drug trade.

Isinuwalat ni Acierto sa quad comm hearing kahapon kaugnay sa drug war ng administrasyong Duterte na ang dating pangulo ang nasa likuran ng pagpaslang sa kaniyang mga kasamahan.

Aniya, nais silang ipapaslang dahil sa kanilang nalaman. At sa katunayan ay kinasuhan pa umano si Acierto t pinatungan ng P10-P50 million para lamang paslangin.

--Ads--

Maliban naman kay Duterte, sinabi niyang kabilang si Sen. Christopher “Bong” Go sa nagpataw ng bounty laban sa kaniya.

Dagdag pa niya, dahil sa ginawang report ni Acierto noon 2017 kaya ito ginawa sa kaniya kung kailan tinag niya si Yang bilang isang drug lord.

Saad pa niya, alam umano ito nina Duterte, Go at si Sen. Ronald Dela Rosa subalit nagbulag-bulagan lamang.