Dagupan City – Nangunguna ang Boston Celtics kontra Dallas Mavericks sa 2024 NBA Finals matapos makamit ang panalo sa Game 3 sa score na 106-99.
Ayon kay Harold Villarosa Mortel, Bombo International News Correspondent sa Boston, close game ang naging laro ng dalawang grupo.
Aminado naman ito na kinabahan silang mga Boston fans, dahil dikit ang laban mula 1st quarter hanggang sa 3rd quarter, hanggang sa tuluyan na ngang umabante ang score ng Boston.
Ngunit pagdating ng 4th quarter, muling nagpaulan ng sunod-sunod na score ang Dallas hanggang sa ang higit na 10 kalamangan ay naging 2 na lamang, kung kaya’t muling bumalik ang kaba sa kanilang mga fans.
Binigyang diin naman ni Mortel na isa sa naging problema ng Boston kung bakit biglang nakaabante ang Dallas ay ang kanilang ipinakitang pagiging kampante.
Malaki naman aniyang turning point ang pagkawala ni Luca Doncic sa laro, ngunit isa itong aral na dapat ay maging matalino sa pagpapakita ng opensiba at sa performance.
Sa kasalukuyan, nanatili ang kalamangan sa Boston kung saan ay 3-0 lead na ito. Samantala, ayon pa kay Mortel nawa’y makamit na ng Boston ang panalo sa Game 4 sa mismong home court ng Dallas nang sa gayon ay tuluyan ng mapataob ang mga ito.