Dagupan City – Patuloy na tinututukan ng Bayambang Municipal Police Station ang pagsunod sa ipinatupad na ordinansa ng Pangasinan Provincial Office na reflectorized vest sa lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt. Col. Rommel Bagsic, ang Chief of Police ng Bayamabang PNP, sinabi nito na maganda umano ang natatanggap na mga pagtanggap sa lalawigan hinggil sa implementasyon ng paggamit ng reflectorized vest.
Sa katunayan aniya, halos lahat ay sumusunod maliban na lamang sa mga hindi talaga nakakaalam sa ordinansa.
Matatandaan na ipinatutupad ang Provincial Ordinance No. 325-2024 o ang pagsusuot ng High-Visibility Reflective Vest, Luminous-Colored Garnments at paglalagay ng pailaw mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Samantala, isa naman sa binigyang diin nito ay ang pagpapanatili ng peace and order sa kanilang bayan. Dahil wala naman masyadong insidenteng naitatala sa kanila at ang patuloy na pagpapaigting ng pagtutok sa ilegal na droga.