Patuloy ang isinasagawang border control checkpoints ng hanay ng mga uniformed personnels sa mga entry at exit points dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay PO3 Adela Oquin na isang Philippine Navy reserve, kanyang ibinahagi na mahigpit ang kanilang ipinapatupad na mga panuntunan upang masiguro na walang mga indibidwal mula sa labas ng lalawigan ang makakapasok sa siyudad.

Aniya, kanilang hinahanapan ng kaukulang dokumento ang mga indibidwal na papasok sa nabanggit na boarder upang matiyak na walang makakalusot sa kanilang ipinapatupad na alituntunin upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

--Ads--

Ibinahagi din ni Oquin na may mga nahuhuli na rin silang mga violators na mula ibang lalawigan na nais na pumasok sa lugsod kahit hindi kabilang sa essential travels na itinakda ng National IATF.

Pinalalahanan din niya ang publiko na mas maiging sumunod sa ipinapatupad na mga health protocols upang makaiwas sa posibleng banta ng COVID-19 sa kanilang katawan.