Umaasa ngayon ang Bonuan Boquig National High School na makakamit ang parangal na para sa World’s best school para sa Environmental Action kung saan gaganaping ngayong araw ng Miyerkules ang awarding ceremony nito.

Ayon kay Renato Santillan ang siyang Principal ng naturang paaralan na bukod pa sa matamasa ang naturang parangal ay kanila ring hinihiling na sa pamamagitan nito ay magkaroon pa ng mas malaking epekto sa bawat tao ang importansyasa pangangalaga ng kapaligiran.

Kaugnay nito ay hinimok nito ang publiko na panuorin ang gaganaping livestream ng announcement ng magwawagi.

--Ads--

Pagtitiyak ni Principal Santillan na ipagapatuloy nila ang kanilang masimulang hakbang na pangangalaga sa kalikasan.

TINIG NI RENATO SANTILLAN

Samantala ‘excited at kinakabahan’ naman ang kasalukuyang nararamdaman ng mga guro sa Bonuan Boquig National High School kung saanlabis na kagalakan ang kanilang nadarama nang sila ay mapabilang sa mga nanalo sa paligsahang ito na pinangunahan ng T4 Education.

Matatandaang nasa libo ang bilang ng paaralan na sumali sa paligsahang ito.

Ayon kay Catherine Bautista-Cornel ang siyan Head Teacher 3 at Punong guro ng Bonuan Boquig National High School na aniya umaasa silang makakamit ang naturang parangal.

Dalangin anila na mabigyan ng pagkakataong makilala hindi lamang ang kanilang paaralan bagkos pati na rin ang bansang Pilipinas.

Nasa $50, 000 o higit 3 milyong piso ang posibleng kanilang mapanalunang premyo.

Gaganapin ang nasabing awarding ngayong araw, Oct 19, 2022, 3pm sa Dagupan City People’s Astrodome.