Nakapagtala ng grass fire ang Bonuan Boquig Cemetery dahil umano sa napabayaang kandila sa kalagitnaan ng pagdaraos ng Undas ngayong araw.

Agad namang rumesponde ang hanay ng Bureau of Fire Protection kaya’t mabilis na naapula ang apoy at wala naman umano itong naidulot na matinding pinsala.

Gayunpaman, nagpaalala pa rin ang mga pulisya na magdoble ingat lalo na sa mga malapit sa mga tuyong damo upang makaiwas sa anumang malalang pinsala.

--Ads--

Samantala sa nasabing sementeryo inihimlay ang pinaslang na Overseas Filipino Worker sa bansang Saudi Arabia na si Marjorette Garcia kung saan ay dinalaw ito ng kaniyang mga kaanak.

Kaugnay nito ayon sa caretaker ng sementeryo na si Gabriel Velasco, inaasahan pa nila ang malaking bilang ng mga tao na dadagsa hanggang mamayang gabi.

Tuluy tuloy naman umano ang monitoring at pag-iikot ng mga kapulisan upang mapanatili pa rin ang seguridad ng mga mamamayan.