Dagupan City – Inihatid na ang 100 sako ng bigas at 15 Box ng Bioderm ang Bombo Radyo Philippines Foundation, Inc., sa nasalanta ng nagdaang bagyo sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City.
Ang inisyatibang ito na ginanap sa lungsod ng Dagupan ay may temang Oplan Kabalaka: “Tulong tan Panangaro”.
Ayon kay Fr. Manuel S. Bravo Jr., Parish Priest ng nasabing simbahan, lubos ang kanyang pasasalamat sa Bombo Radyo Philippines Foundation, Inc. sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikibahagi sa layunin ng simbahan na tumulong sa mga nangangailangan.
Aniya, napakahalaga ng tulong na ito para sa kanila at makakaasa ang himpilan na marami itong matutulungang pamilya.
Dagdag pa niya, ang naturang donasyon ay patunay ng tunay na diwa ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga labis na naapektuhan ng kalamidad.
Dahil dito, ipinaabot niya ang kaniyang lubos na pasasalamat sa inihandog na tulong para sa mga higit na nangangailangan.
Bukas Agosto 9 hanggang 12 nakatakdang gawin ang repacking ng mga ipapamahagi habang nakatakda naman itong ibigay sa susunod na linggo sa Agosto 14.
Sa kabuuan nasa 200 sako ng bigas ang ipapamahagi sa lungsod ng Dagupan at lalawigan ng La Union.