Panibagong tagumpay na naman ang naabot ng Bombo Radyo Philippines matapos itong mapabilang na finalist sa lahat ng siyam (9) na kategorya sa ika-47 Catholic Mass Media Awards (CMMA) ngayong taon, isang prestihiyosong pagkilala sa mga natatanging kontribusyon sa larangan ng komunikasyon na ginagabayan ng mga Kristiyanong prinsipyo.
Mga Finalist na Entry:
- Best News Program
Bombo Network News
Bombo Radyo Cebu
- Best Commentary Program
Bombo Radyo Cebu
- Best Public Service Program
Bombo Lifestyle (Bombo Radyo Philippines)
- Best Counseling Program
Star FM Manila
- Best Business News
Bombo Special Report (Bombo Radyo Philippines)
- Best Entertainment Program
Star FM Iloilo
Star FM Bacolod
- Best Educational Program
Bombo Special Report (Bombo Radyo Philippines)
Bombo Radyo Cauayan
- Best News Feature
Bombo Radyo Iloilo
Bombo Radyo Dagupan
Star FM Dagupan
- Best Drama Program
Bombo Radyo Cauayan
Sa taong ito, kapwa Bombo Radyo at Star FM ang nagtagisan sa iba’t ibang kategorya, kabilang ang Best News Program, Best Entertainment Program, Best Educational Program, at Best News Feature… patunay sa lawak at lalim ng kanilang serbisyo sa publiko.
Itinatag noong 1978 ni yumaong Jaime Cardinal Sin, layunin ng Catholic Mass Media Awards na kilalanin ang mga institusyon at tagapaghatid ng balita na gumagamit ng komunikasyon upang isulong ang katotohanan, dignidad ng tao, at panlipunang pananagutan alinsunod sa turo ng Simbahan.
Para sa amin dito sa Bombo Radyo Philippines, iniaalay ang pagkilalang ito sa mga tagapakinig at tagapanood sa buong bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo, na patuloy na nagbibigay ng tiwala at suporta sa 32 fully digitalized stations ng network.
Sa pamamagitan nito, patuloy na naihahatid ang balita, serbisyo publiko, at mga programang nagbibigay-kaalaman at pag-asa sa mga komunidad.
“Basta Radyo, BOMBO! Star FM, it’s all for YOU!”