DAGUPAN CITY- Nakatanggap ng pagkilala ang Bombo Radyo Dagupan sa ginanap na Pangirayew tan Pantutuyaw: PSU Stakeholder’s night sa Don Telesforo N. Boquiren Convention hall Pangasinan State University Campus Lingayen.

Isa ang ating himpilan sa nakatanggap ng pagkilala bilang katuwang ng unibersidad sa mga iba’t ibang programa at pagbibigay impormasyon sa publiko.

Ayon kay Dr. Elbert Galas, President ng naturang unibersidad, maituturing nila itong historic event ng kanilang paaralan.

--Ads--

Kabilang din kase sa kanilang vision ang maging nangungunang industry-driven na state university sa rehiyon ng ASEAN pagsapit ng taong 2030.

Lubos din niyang pinasalamatan ang mga kontribusyon ng mga indibidwal at katuwang na mga ahensya at institusyon para sa mga tagumpay na natatanggap ng kanilang unibersidad.

Samantala, isa sa mga panguhahing aktibidad ng internalization week 2024 ng unibersidad at parte din ng pagdiriwang ng ika-45 founding anniversary ng paaralan.