DAGUPAN, CITY— Binigyang pagkilala ang Bombo Radyo Dagupan dahil sa pagtulong sa isang OFW na nabiktima ng illegal recruitment at sa pagsalba sa buhay ng isang ginang na sumailalim sa operasyon sa breast cancer stage 3 sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo sa Dugong Bombo.

Tinanggap ng Bombo Dagupan staffs sa pangunguna ng Station Manager na si Josephine Sarmiento ang naturang pagkilala na ibinigay ni Nilo Palma, na isang concern citizen sa lalawigan.

Aniya, lubos ang paghanga nito sa ipinakitang dedikasyon at kahusayan sa pagbibigay serbisyo publiko ng himpilan lalo sa mga nangangailangan.

--Ads--

Kung matatandaan, natulungan si Ginang Josie Castro De Leon noong January 14, 2020 na makabalik sa Pilipinas mula sa masaklap na nangyari sa kanya. Dahil sa pakikipagtulungan ng Bombo Dagupan sa PESO Pangasinan Office ay naikasatuparan ang naturang hakbang.

Samantala, nabigyang tulong din ang isang pamilya na makakuha ng TYPE O+ na dugo para sa kanilang kaanak sa sumailalim sa operasyon ng kaniyang iniindang stage 3 breast cancer.

Sa pamamagitan ng Dugong Bombo at pakikipagkoordina sa Philippine Red Cross-Dagupan, ay nakapagbigay ng kinakailangang suplay ng dugo ang kanilang kaanak upang maging matagumpay ang kanyang operasyon.

Dagdag pa rito, patuloy ang pagbibigay serbisyo publiko ng Bombo Radyo Dagupan upang mas marami pang mga mamamayan ang ating matulungan.