DAGUPAN CITY — Nagpapatuloy ang isinasagawang flood mitigation project sa Sitio Calarin at Tranquilini-Siapno Rd. Brgy. Malued patungong Old De Venecia Highway sa lungsod ng Dagupan City.

Ito ay inaasahan na magbibigay ng mas epektibong access road lalo na sa panahon ng high tide at matinding pag-ulan.

Nagsagawa si Dagupan City Mayor Belen Fernandez at City Engr. Josephine Corpuz ng onsite inspection kamakailan sa nasabing lugar upang suriin at siguruhin na mahigpit na nasusunod ang project specifications at walang mangyayaring anumang pagkakaantala.

--Ads--

Sinabi ng alkalde na nasa 24 na road projects ngayong taon ang nakalinya, habang ang iba pa namang matinding kinakailangan na infrastructure projects ay nakabinbin sa ngayon habang hinihintay ang pag-apruba ng 7 Majority Councilors sa Sangguniang Panlungsod.

Sinabi pa ni Mayor Fernandez na parte ng flood mitigation projects ay ang “Operation Sitio”, isang bayanihan project na tutulong sa mga residente na makalikha ng road at drainage systems na ikokonekta sa mga elevated road.