‘Bomb Cyclone’ kung tawagin ng mga taga-ulat ng panahon sa Estados Unidos ang isang masamang panahon na namuo sa karagatan ng north-west ng US at western Canada.
Ang naturang termino ay ginagamit ng mga meteorologist sa isang sama ng panahon na may mabilis na paglakas.
Nagdala naman ito ng malakas na hangin, pagbaha at pagnyebe na nagudyok sa 7-million katao na lumikas.
--Ads--
Nagdulot na rin ng malawakang pagkawala ng kuryente sa 600,000 kabahayan sa Washington at inaasahan naman ang 15,000 sa California. Nagsitumbahan naman ang mga puno dahil sa lakas ng hangin.
Maliban pa riyan, nakapagtala na rin ng hindi bababa sa isang tao ang nasawi malapit sa Seattle.