Nasa ligtas nang kalagayan ang aktor ng Bollywood na si Saif Ali Khan na sumailalim sa operasyon matapos siyang saksakin ng isang salarin sa kanyang bahay sa lungsod ng Mumbai.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, nasugatan ang aktor matapos magkaruon ng alitan sa isang hindi kilalang lalaki na pumasok sa kanyang bahay.

Sa isang panayam kay Dr. Nitin Dange mula sa Lilavati Hospital, ang aktor ay “nakatamo ng malubhang sugat sa thoracic spinal cord dahil sa isang kutsilyo na naipit sa kanyang gulugod.”

--Ads--

Si Khan ay kasal kay Bollywood star Kareena Kapoor Khan at mayroon silang dalawang anak.

Matapos ang insidente, nag-post si Kareena sa Instagram stories at sinabi na ito ay “isang napakahirap na araw para sa kanilang pamilya.”

Hiniling naman ng pamilya nito sa media at paparazzi na iwasan ang paglalabas ng mga haka-haka sa pangyayari.