Dagupan City – Plano ngayon ng Board of Investments (BOI) na makapagtala ng P1trillion na halaga ng mga proyekto sa 2025.

Ang planong ito ay sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) 2025.

Kung saan ang BOI ay naghahangad ng mas mababang investment pledges sa susunod na taon mula sa 2024 NEP target nito na P1.151 trillion.

--Ads--

Sa House Committee on Appropriations budget briefing ng Department of Trade and Industry (DTI) kamakailan, sinabi ni DTI Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo na may ilang paghihigpit na kailangang tugunan upang patuloy na makaakit ng investments ang bansa, lalo na mula sa foreign sources.

Tinukoy niya ang ilang hamon na kadalasang binabanggit ng mga investor sa kanilang investment missions, kabilang ang ease of doing business, power, talent development, at incentives.

ng layuning ito ay sa ilalim din ng inisyatiba ng pamahalaan na planong mas mapadali ang pagnenegosyo sa bansa. Kung saan ang paglalatag ng green lanes na magpapabilis sa pag-iisyu ng permits at licenses para sa strategic projects.