Isinagawa na ng mga awtoridad ang autopsy sa mga labi ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Maria Catalina Cabral matapos makumbinsi ang kanyang pamilya na payagan ang pagsusuri upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa ulat, isinagawa ang autopsy bandang 3:45 ng madaling araw ng Disyembre 20, 2025, sa Cordillera Serenity Memorial na matatagpuan sa Irisan, Baguio City.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng patuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad upang linawin ang mga pangyayari kaugnay ng pagkamatay ng dating opisyal.
Personal na dumalo sa isinagawang autopsy ang asawa ng yumaong undersecretary na si Ceasar Cabral, bilang kinatawan ng pamilya at upang masaksihan ang proseso ng pagsusuri sa mga labi ng kanyang asawa.
Ayon sa mga awtoridad, mahalaga ang presensya ng pamilya upang matiyak ang transparency at pagsunod sa tamang proseso.
Una nang tumutol ang pamilya sa pagsasagawa ng autopsy, subalit kalaunan ay pumayag matapos ipaliwanag ng mga imbestigador ang kahalagahan nito sa pagtukoy ng eksaktong sanhi ng pagkamatay at sa paglilinaw ng mga umiiral na katanungan kaugnay ng insidente.
Lumalabas naman sa pasusuri na ang sanhi ng pagkamatay ni Cabral ay blunt traumatic injury na tugma sa kaniyang pagkakahulog, batay sa resulta ng isinagawang autopsy.










