Nanatili pa ring nakataas sa blue alert status ang alerto ng Office of the Civil Defense o OCD Region 1.

Ito mismo ang kinompirma ni OCD Region I spokesperson Mike Sabado sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Sabado, ang ‘blue alert status’ ay kanila umanong paraan o hakbang upang mapaghandaan ang posibleng epektong dulot ng malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Luzon, partikular na sa Pampanga pati na rin ang nangyari sa Samar.

--Ads--

Bukod pa rito, inaatasan na rin umano nila ang ilan sa kanilang mga tauhan na maging alerto at manatiling naka-stand by 24 oras. Lahat din aniya ng attached agency ng OCD ay inabisuhan na magpadala ng kanilang duty officer para sa pag-consolidate ng mga report at koordinasyon.

Nilinaw naman ni Sabado na patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapadala ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol./Int of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program