Dagupan City – Isinagawa ngayon ang isang Blood Letting Activity sa Brgy. Sapa Grande, Burgos, Pangasinan sa pangunguna ng Confederation of Ilocano Association Incorporated “SAMAHANG ILOCANO” (CIAI-SI 61892).

Taglay ng aktibidad ang temang: “Every time you donate blood, you give someone the gift of tomorrow.”

Layunin nito ang makatulong sa mga nangangailangan ng dugo sa mga ospital at medical facilities, lalo na sa mga panahong mahirap ang suplay ng dugo. Isa rin itong hakbang upang palaganapin ang kamalayan sa kahalagahan ng voluntary blood donation sa mga lokal na komunidad.

--Ads--

Ayon kay Emerson Cuasay, ang unang matagumpay na blood donor mula sa CIAI-SI Bani Chapter, isa ito sa kaniyang mga personal na adhikain.

Dahil napakaganda sa pakiramdam kapag nakakatulong sa mga indibidwal na nangangailangan ng dugo.

Aniya, isa itong simpleng paraan para makapagligtas ng buhay.

Isa naman sa mga isinaalang-alang ng mga kalahok sa pagdodonate ng dugo ay ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Bago ang aktwal na pagdodonate, sumasailalim muna sila sa screening gaya ng blood pressure check, hemoglobin test, at pagsusuri kung sila ay physically fit upang magdonate.

Mahigpit ring ipinatutupad ang mga panuntunan gaya ng hindi pagdodonate kung ikaw ay may iniindang sakit, bagong bakuna, o kakagaling lamang sa operasyon.

Patuloy ang panawagan ng CIAI-SI sa mga kasapi at mga mamamayan ng komunidad na makiisa sa ganitong gawain na hindi lamang tumutulong sa iba kundi nakabubuti rin sa kalusugan ng mismong donor.

Ang nasabing aktibidad ay nakakolekta ng 21 bags ng dugo bilang bahagi ng mga makabuluhang proyekto ng Samahang Ilocano upang isulong ang malasakit, bayanihan, at boluntaryong paglilingkod sa kapwa.