Dagupan City – Matagumpay na naisagawa ang Blood Donation Activity sa bayan ng Infanta.

Ito ay sa inisyatiba at pagtutulungan ng Philippine Red Cross Western Pangasinan Chapter, Infanta Rural Health Unit at lokal na pamahalaan.

Nakakolekta naman ang mga ito ng 25 blood bags na may layuning ibigay sa mga nangangailangan.

--Ads--

Ipuinaabot naman ng mga organizers ang kanilang pasasalamat sa mga pumunta at nakiisa sa aktibidad.