Bloke-blokeng hinihinalang pinatuyong Marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng higit P1.5 million ang inabandona at narekober ng mga otoridad sa Brgy. Agat, sa bayan ng Sison.

Ayon sa ulat mula sa PNP Sison, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang Regional Office hinggil sa transportasyon ng mga pinatuyong Marijuana mula sa Baguio City patungong Pangasinan, na naging dahilan upang magkasa sila agad ng checkpoint sa lahat ng border ng lalawigan ng Pangasinan at La Union.

Subalit habang patuloy ang ginagawa nilang checkpoint, isa sa mga miyembro ng PNP Region 1 na sakay ng motosiklo ang nakapansin sa dalawang kulay brown na kahon na iniwan sa tabi ng kalsada sa bahagi ng Brgy. Agat na hindi kalayuan sa isinasagawang border checkpoint.

--Ads--

Sa pagsusuri ng mga otoridad, lumalabas na naglalaman ito ng dalawang bricks ng dried Marijuana at 10 tubular na balot ng brown packaging tape na pinaniniwalaang iniwan nalamang ng hindi pa nakikilalang mga suspek matapos na matunugan ang isinagawang checkpoint ng hanay ng PNP.

Tinatayang may bigat 13 kilo ang kontrabando na nagkakahalag ng P1,560,000.00.

Sa ngayon ang mga ito ay nai-turn over na sa PNP Regional Office para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.