Dagupan City – Mga kabombo! Nasubukan mo na bang makipag-blind date?

Kakaiba kasi ang naging blind date setup sa Vitenam.

Ayon sa ulat ng iba’t ibang media outlets, naging viral ang setup s akanilang bansa, dahil hindi tumutugma ang aktuwal na nangyayari sa claim ng advertisement nito.

--Ads--

Lumalabas kasi na mdilim ang room para sa mga lalaki, ngunit taliwas naman ito sa mga nakikita ng kababaihan.
Anila, nagiging pabor umano ang blind dating sa mga kalalakihan, dahil walang nakikita ang mga babae kundi ang mistulang salamin lamang ng kanilang sarili.

Kaya kung tutuusin, ang blind date na ito ay masasabing valid lang para sa mga babae dahil wala silang idea kung ano ang hitsura ng mga lalaki sa other room.

Dahil doon, natuklasan din na bukod sa one-sided window, mababa ang upuan ng mga lalaki kumpara sa mga babae.
Dagdag na batikos ng netizens, nabobosohan ang mga babae kung maikli ang suot na damit ng mga ito.

May mga male netizens naman na nagsabing unfair umano ang package na ino-offer ng Mina Dating Cafe dahil ang mga lalaki lang ang dapat magbayad, samantalang libre ang food and drinks ng mga babae.

Dahil dito, agad na binatikos ng mga nitizens online ang cafe.At lumalabs din na wala umanong planong ipasara ang blind-dating cafe ng may-ari, dahil wala naman itong illegal na ginagawa.