Kumpirmado ni K-pop superstar Lisa na gumagawa na ng bagong kanta ang Blackpink bilang paghahanda sa nalalapit nilang world tour.
Sa panayam, ibinahagi ni Lisa na kamakailan lang silang nag-record sa studio.
Aniya, excited silang magsama ulit at mag-tour kung saan miss na miss na nila ang mga Blinks.
--Ads--
Sa ngayon ay wala pa ring petsa kung kailan ilalabas ang bagong musika.
Subalit ang bagong balitang ito ay kasabay ng paghahanda ng Blackpink para sa kanilang 2025 world tour, na magsisimula ngayong Hulyo sa Goyang Stadium sa South Korea, bago tumuloy sa North America, Europe, at Japan.