Dagupan City – Tiniyak ni JO2 Jordan Soliman, Chief ng Health And Services, Bureau of Jail Management and Penology Dagupan City Male Dormitory na drug-free ang kanilang dormitoryo.
Sa katunayan aniya, nagsasagawa sila ng 100% quarterly drug-testing mula sa programa ng gobyerno para masustain ito at mapanatili ang kaayusan.
Binigyang diin din nito na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga dumadalaw upang maiwasan ang mga insidenteng pagpupuslit ng mga ilegal na droga.
Ibinahagi rin nito ang kanilang nagpapatuloy na programa sa pagtulong sa mga paaralan, at ang ipinagkakaloob na programa sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL na livelihood programs gaya ng basket making sa ilalim ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) at Alternative Learning System (ALS).