Dagupan City: Bumbaba na ang Congestion Rate ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Dagupan City sa 44%.
Ayon kay JCInsp. Lito Lam-Osen, City Jail Warden ngs BJMP Dagupan City, ito’y matapos na makapagtala na ng higit 600 bilang na lamang sa loob ng kanilang selda na dati’y umaabot sa higit 1000 Persons Deprived of Liberty (PDL’) dahil sa inilunsad na war on drugs.
Dahil dito, wala na rin umanong mga spider web o nasa duyan na natutulog na mga PDL’s, dahil sa sapat na espasyo.
Samantala, nagpapatuloy rin aniya ang ibinibigay na mga oportunidad sa mga PDL’s kung saan ay muli silang nagbukas ng Alternative Learning System (ALS), Senior High School (SHS), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Layunin nito na maging equip ang mga PDL’s na may technical/vocational skills na maari nilang magamit kapag maghahanap ang mga ito ng trabaho o nais magsimula ng kanilang nga negosyo pagkatapos ng kanilang confinement.
Samantala, kaugnay sa paghahanda sa tag-ulan, nagsagawa na rin sila ng programa sa mga ito upang mapaghandaan at maiwasan ang mga psoibleng maidulot nitong sakit gaya na lamang ng dengue awareness, leptospirosis, at iba pang water-borne diseases.
Kaugnay naman aniya sa mga bisitasyon, may dalawa silang ipinatupad, kabilang na rito ang face-to-face visitation, at ang e-visit o electronic-visitation kung saan ay sa pamamagitan na lamang ng video call.
Ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat sa mga stakeholders, Local Government Units, Service Providers, Private Sectors at iba pa na patuloy na tumutulong sa kanila upang mapabuti at mabigyan ng pag-asa ang mga PDL tungo sa bago at makabuluhang pamumuhay.
Samantala, sumailalim na rin ang BJMP Dagupan na mapabilang sa Drug Free Facility sa bansa.