Inaasahan na ang pagbabalik ruta ng Dagupan- Clark at Olongapo-Baguio ng isang kompanya ng bus dito sa lalawigan sa darating na Setyembre 9.

Sa pahayag ni Martin Ngis-O ang
Terminal Master ng Victory Liner, ay inihahanda na nila ang anim na units nito para sa nalalapit na pagbabalik-operasyon ng mga biyahe nito kung saan ay magkakarooon ng dalawang oras na interval nito sa pagbiyahe.

Sinabi rin nitong istrikto nilang ipipapatupad ang ibinabang health protocols ng Inter-Agency Task Force para sa kaligtasan ng mga pasahero.

--Ads--
TINIG NI MARTIN NGIS-O

Sila rin ang tanging kompanya ng bus na binigyan ng permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para magbalik biyahe.

Patuloy rin umano silang naghihintay sa iba pang mga abiso mula sa LFTRB para sa papayagan pang karagdagang mga biyahe sa probinsiya.

Samantala, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy rin ang kanilang pagbababakuna kung saan halos 50% na ng kanilang mga emoleyado ay nabigyan na ng Covid-19 vaccine bilang pagtalima sa paghahawaan ng virus sa oras na magsimula na ang biyahe ng bus.

Dagdag rin nito na nabigyan ng trabaho ang mga draybers sa kanilang Drop and Go o ang paghahatid ng mga cargo bunsod nang natigil ang mga biyahe nito dahil sa Covid-19.