Hindi pa malaman kung kailan magbabalik sa normal ang biyahe ng mga pampasaherong sasakyan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao, presidente ng Alliance of United Transport Organization o AUTOPRO Pangasinan, sinabit nito na ang tanging inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ay sampung jeep lang ang puwedeng bumiyahe na kung tutuusin ay kulang.

Pero may mga guidelines bilang safety masures ang dapat sundin ng mga driber at operator gaya na bago sumakay ang mga commuters ay dadaan sila sa scanner, dapat may alcohol sa loob ng jeep, may margin na aapakan at kada tatlong oras ay dapat nadidisinfect ang sasakyan.

--Ads--

May mga sanctions na ipapataw sakaling hindi sumunod sa guidelines.

Maaring bawiin aniya ang special permit na ibinigay sa driber.

Samantala, tiniyak ni Tuliao na susulat siya LTFRB para magpadagdag ng unit na puwedeng bumiyahe upang may hanap buhay ang iba pang mga driber.

Hihilingin din nila ang dagdag na singil sa pamasahe sa panahon ng GCQ.