Dagupan City – Naglatag ang BITSTOP Incorporated sa House of Representatives ng mga posibleng gawin kaugnay sa paglobo ng Distributed Denial-of-Service (DDoS) attack sa website ng Kamara.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Wilson Chua, Managing Director at co-founder ng Incorporated sinabi nito na may solusyon sa problema ng kongreso na napaulat kamakailan kung saan ay nakapagtala ng 53.72 milyong DDoS attack sa website ng Kamara.

Aniya, malinaw kasi na gumagamit ng virtual private network (VPN) ang isang hacker na hindi ginagawa ng isang normal user. Nauna nang binigyang diin ni Chua na ang DDoS o ang Distributed Denial-of-Service ay isang uri ng atake sa isang website na may negatibong plano o motibo.

--Ads--

Kung kaya’t nanagawan ito kay House of Representatives Secretary-General Reginald Velasco na dapat ay suriin din nila ang mga naitatalang web log sa kanilang datos.

Mapapansin din kasi aniya na kadalasang giangawa ng mga hacker sa website upang makapasok ay ang html method o ang options and connect na hindi naman kinakailangan sa isang website.

Kaugnay nito, ang solusyon lamang aniya ang ang pag-block ang html ng kongreso upang hindi mapasukan ng anumang uri ng virus gaya na lamang ng malware at phishing na karaniwang ginagamit ng mga hackers upang masira at kunin ang mga datos sa isang account o website.

Mas maganda rin aniya na i-filter na ang mga nagkakaroon ng access sa website gaya na lamang ng kapag nakapagtala ng malicious user at agad na padalhan ng email upang imbistigahan ito.