Nagpaalala ang BIR Region 1 sa mga Taxpayers na Mag-file at Magbayad ng Income Tax Bago ang Deadline sa Abril 15.

Ito ay matapos malampasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region I ang kanilang target na koleksyon para sa taong 2024.

Matatandaan na nakalikom sila ng kabuuang P23.6 billion, higit pa sa kanilang itinakdang target na P1.2 billion at nagpapakita ng 5.43% na pagtaas sa kanilang target.

--Ads--

Sa naging pahayag ni Marcelito Caday Jr. – Head, Client Supprt Unit, ipinapaalala ng ahensya na ang deadline para sa pagbabayad ng income tax ay sa Abril 15, taong kasalukuyan.

Kanyang hinikayat ang mga nagbabayad ng buwis na huwag mag-antala at mag-file na ng kanilang mga tax returns bago dumating ang huling araw ng pagbayad upang maiwasan ang mga aberya at problema, tulad ng mahabang pila at aberya sa linya ng mga online payment facilities.

Dagdag pa ni Caday, kung handa na ang mga dokumento at kinakailangang papeles para sa pagbabayad, tulad ng mga resibo at iba pang detalye, maaaring agad na magtungo ang mga taxpayers sa kanilang mga lokal na tanggapan ng BIR upang magkumpleto ng kanilang mga obligasyon sa buwis.

Aniya na ang maagang pagbabayad ay hindi lamang makakatulong sa kanilang mga personal na proseso, kundi maiiwasan din ang mga abala na dulot ng huling minuto na mga transaksyon.

Kaya naman hinihimok ng BIR ang mga mamamayan na maging maagap at responsable sa kanilang mga obligasyon upang mapanatili ang maayos na koleksyon ng buwis na siyang papakinabangan ng buong bansa.