Dagupan City – Patuloy na pinagbubuti ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang mga programa upang mapanatili ang epektibong koleksyon ng buwis at matiyak ang pagsunod ng mga taxpayer.

Ayon kay Mercelito Caday Jr., Head, Client Support Unit ng Office of the Regional Director, pangunahing layunin nila ang pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa publiko.

Kabilang sa kanilang mga inisyatiba ang Taxpayer Compliance Monitoring Program at Enforcement Program, kung saan isinasagawa ang Oplan Kandado laban sa mga negosyong lumalabag sa regulasyon.

--Ads--

Aktibo rin silang nagsasampa ng kaso laban sa mga tax evaders at nagpapabuti ng kanilang pasilidad upang matugunan ang pamantayan ng Quality Management System Certification.

Bukod dito, pinalalawak din ng BIR ang paggamit ng electronic payment facilities at online registration system para gawing mas mabilis at magaan ang proseso ng pagbabayad ng buwis.

Patuloy rin silang nagsasagawa ng seminars at daily briefings para sa mas epektibong gabay sa mga taxpayers.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, layunin ng BIR na mapataas ang buwis na nakokolekta at mapabuti ang pagsunod ng mga mamamayan sa mga regulasyon sa pagbubuwis.