DAGUPAN CITY–Bubusisiin pa ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang iba pang paglabag ng warehouse na kanilang niraid kasama na ang hanay ng Philippine National Police sa Brgy Bacag sa bayan ng Villasis, Pangasinan kung saan milyon-milyong halaga ng makina at mga pekeng internal revenue stamps ang nakumpiska.

Sa eksklusibong panayan ng Bombo Radyo Dagupan kay
Ted Paragas OIC Chief ng Regional Investigation Unit ng BIR Region I, napag-alaman nila na may nakarehistrong negosyo ang 3W Carton Manufacturing Corporation na nakapangalan sa warehouse na kanilang ni-raid sa naturang barangay ngunit sa Poblacion ang lokasyon nito.

Hindi rin umano nakarehistro ang warehouse na nasa Brgy Bacag Villasis na nangangahulugan na ng panibagong paglabag.

--Ads--

Bukod pa ito sa mga nakumpiskang makina na gamit sa paggawa ng packaging ng sigarilyo at mga pekeng internal revenue stamps.

Nauna rito sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay PNP Provincial director police col. Redrico Maranan, sinabi nito na nakumpiska nila sa loob ng warehouse ang napakaraming makina at materyales.

Base naman sa pagtaya ng BIR nasa P200-300 milyon ang halaga ng mga ito.