Mga kabombo! Gaano na nga ka-advance ang teknolohiya ngayon?
Paano ba naman kasi, ang teknolohiyang tao ay kaya nang ma-analyze bilang tao.
Naging posible ito matapos ilunsad ng Shanghai-based startup na DroidUp ang kauna-unahang AI-powered biomimetic humanoid robot sa mundo na tinawag nilang si “Moya.”
Si Moya ay iba sa nakasanayang robots dahil dinesenyo ito upang gayahin ang natural features ng tao hanggang sa pinakamaliliit na detalye.
Ang female version nito ay may taas na 165 cm at timbang na 32 kilograms.
Bukod pa sa kakayahan nitong gayahin ang ekspresyon ng mukha at galaw ng tao, agaw-pansin din ang feature nito na mayroong realistic skin at body temperature na naglalaro sa 32 hanggang 36 degrees Celsius.
Layunin umano nito na magbigay ng “warmth” at sense of kinship sa mga makakasalamuha nito.
Batay sa impormasyon mula sa DroidUp, ang kanilang creation ay flexible at puwedeng i-configure bilang lalaki o babae depende sa pangangailangan, maging ito man ay para sa healthcare, edukasyon, o simpleng companionship.
Gamit umano ang advanced AI cameras, kaya ni Moya na makipag-interact at tumugon sa emosyon ng kausap.
Bagama’t ipinagmamalaki ng kompanya ang 92 percent human-like walking accuracy nito, marami sa social media ang nakapansin na tila “unsettling” o nakakailang pa rin ang galaw at ekspresyon ng robot.
Nakatakda namang ibenta ito ng 1.2 million yuan o katumbas ng P10.1 Million bago matapos ang 2026.










