Dagupan City – Isinagawa sa Binmaley ang Youth Summit 2026 na may temang “Seeds of Knowledge: SIBOL,” na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan ng mga kabataan sa mahahalagang isyung kinakaharap ng kanilang sektor.
Lumahok sa aktibidad ang mga student-leaders mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan kung saan tinalakay ang mental health, pag-iwas sa paggamit ng ilegal na droga, entrepreneurship at teenage pregnancy.
Layunin ng mga talakayan na mabigyan ang mga kabataan ng dagdag na kaalaman upang makagawa ng responsable at positibong desisyon, gayundin ang mahikayat silang aktibong makilahok sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang komunidad.
Pinangunahan ang programa ni SK Federation President Janiea Beyonce An, katuwang ang Local Youth Development Office sa pangunguna ni Alexson Ramirez.
Inaasahang magsisilbing dagdag na kaalaman at gabay sa mga kabataan ang mga paksang tinalakay sa summit bilang paghahanda sa kanilang mas aktibong papel sa komunidad.










