Dagupan City – Nagkaisa ang mga kabataan ng Binmaley sa isinagawang 2026 Binmaley Youth Coastal Clean-Up Drive noong Agosto 23 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan 2026.

Pinangunahan ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation at Local Youth Development Office (LYDO) ang aktibidad na naglalayong mapanatili ang kalinisan ng baybayin at mahikayat ang kabataan na maging aktibong katuwang sa pangangalaga ng kalikasan at yamang-dagat ng bayan.

Nakiisa sa coastal clean-up ang mga SK Chairpersons at SK Council Members, mga mag-aaral mula sa Binmaley School of Fisheries at Binmaley Catholic School, gayundin ang iba pang boluntaryong kabataan at organisasyon.

--Ads--

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, nakibahagi ang mga kabataan sa pagpapanatili ng malinis at maayos na baybayin, habang isinusulong ang kamalayan sa kahalagahan ng responsableng pangangalaga sa kapaligiran.

Patuloy namang hinihikayat ang mga kabataan at buong komunidad na makiisa sa mga programang pangkalikasan upang mapangalagaan ang baybayin ng Binmaley at makapag-ambag sa mas malinis at mas maayos na kinabukasan.serbisyo para sa mga pamilyang Lingayenense na nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.