Patuloy na iniimbestigahan ng Binmaley police ang pagkamatay ng isang mangingisda sa barangay Pututan sa nasabing bayan.

Ayon kay police lt.col, Geneviev Poblete, OIC chief of police sa bayan ng Binmaley, kinilala ang biktima na si Pedro Flores, 69 anyos, mangingisda at residente rin sa nabanggit na lugar.

Natagpuang ang biktima na may 14 na saksak sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan sa pilapil malapit sa isang fishpond.

--Ads--

Sa ngayon ay mayroon nang person of interest ang kapulisan at tuloy tuloy ang pangangalap nila ng ibidensya.

Nakausap na umano ng pulisya ang pamilya ng biktima at nalaman na mayroong silang hindi pagkakaunawaan ng kanilang kapitbahay pero malayo na ito ang dahilan ng krimen.

Kung titignan umano ang bilang ng saksak ay masasabing galit na galit ang suspek sa biktima.

police lt.col, Geneviev Poblete, OIC chief of police – Binmaley

Napag alaman na umalis ang biktima para mangisda pero hindi na nakauwi hanggang sa may nakakita na kapitbahay nito sa kanyang bangkay sa gilid ng pilapil.