DAGUPAN CITY–Mahigpit na binabantayan ang bayan ng Binmaley matapos magpositibo sa African swine fever ang ilang baboy doon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, sinabi niyang hindi naman maituturing na malala na ang situwasyon sa barangay Linoc, Binmaley dahil kaunti ang mga baboy sa lugar.

Maliit lang aniya ang area ng Binmaley at kaunti lang ang mga inaalagaang baboy kaya ito ang nakikita niyang dahilan na hindi namonitor kaugnay sa pagkakasakit ng mga baboy.

--Ads--

Sa ngayon, isinailalim na umano sa pagsusuri ang mga baboy na sakop ng 1 kilometro.

Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Engr. Rosendo So

Sa ngayon ay hindi muna aniya hahayaang may makalabas o makapasok na baboy sa lugar. Nanawagan ito sa mga nagbabiyahe ng baboy na iwasan munang magbiyahe ng baboy sa labas o magtangkang magpasok ng baboy sa lalawigan.