Dagupan City –Ipinag-diinan ng pamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Binmaley na mas higit na tututukan nila ang mga basic services nito kaysa ang infrastructure project ng bayan.
Ayon kay Atty. Franco Francisco, ang Municipal Administrator ng LGU Binmaley, bagamat mahalaga ang mga proyektong imprastraktura, mas mahalaga aniya ang pagtutok sa mga pangangailangan ng mga Binmalenians.
Dagdag pa nito, mistulang walang silbi kasi ang mga proyekto kung ang mga residente naman sa kanilang bayan ay umaaray sa estado ng pamumuhay.
Kung saan ay binitawan nito ang katagang “aanhin mo ang magandang bahay kung gutom naman ang mga tumitira”.
Binigyang diin pa nito ang infra project na nagagamit o nagiging daan na sa kurapsyon.
Gaya na lamang ng pagpili ng kontratista na kung saan pagkatapos ng proyekto ay makikita ang mga hindi natapos o substandard na paggawa.
Aniya, hindi nakikinabang dito ang mga publiko bagkus ay mga kontraktor lamang ang masaya.
Samantala, nakatakdang namang ipagawa sa bahagi ng Children’s park sa brgy. Poblacion kung saan ay gagawing barangay hall ang kalapit na building.
Ayon kay Francisco, hindi nakikinabang dito ang mga residente bagkus ay mga kontraktor lamang ang tumatamasa.