Nakakasama sa katayuan ng mga kababaihan ang binitawang biro ng isang kandidato tungkol sa pakikipagsiping sa single mothers.
Ayon kay Prof. Danilo Arao— Convenor, Kontra Daya hindi dapat ginagawang katatawanan ang sitwasyon ng mga solo parents bagkus dapat ay iginagalang at iniintindi ang kanilang kalagayan.
Ang ganitong mga biro ay maituturing na sexual, misogynistic, at homophobic kaya’t hindi dapat ginagawa.
Nagpapakita rin ito na lalong tumitindi ang exploitation ng kababaihan sa bansa.
Mabuti na lamang at maganda ang naging aksyon ng Comelec na maglabas ng show cause order at ipinagpapaliwanag ang nasabing kandidato kung bakit ganun ang binitawang salita kahit sabihing biro lamang.
Kaya’t saad pa ni Arao na dapat masampolan ito upang hindi na gayahin pa ng iba dahil kapag naging mabagal ang proseso ay malaki na ang tyansa na manormalize ito.
Umaasa naman ito na hindi na madagdagan pa ang mga ganitong pangyayari bilang respeto sa mga kababaihan at para basagin ang kultura ng patriarchy sa bansa.