Mga kabombo! Naniniwala ba kayo sa kasabihang “teach them young?”
Pero paano kung ang kasabihan mong ito ay siya palang magiging daan para malunok mo ang pagtuturo sa naak ng leksyon?
Binansagan kasing “Kinarma” ang isang tindera nang pinagtindahin ang binatilyong anak para turuan ito ng leksiyon.
Ayon sa ulat, nais sanang turuan ng ina na matutunan ng kaniayng anak kung gaano kahirap ang kumita ng pera kung walang pinag-aralan.
Ito’y matapos na bumaba ang school grades ng 17 anyos na binata kung saan ay nawalan na rin ng ganang mag-aral. At sa hindi nga inaasahang pagakataon, tuluyan ng nag-drop out sa school ang binata.
Ang dahilan nito, kumikita na kasi siya ng $1,400 o katumbas ng P78,000 sa pagtitinda sa loob lamang ng 10 days.
Si Deng ay tindera ng fried chicken sa bangketa sa Jiaxing, Zhejiang province sa China. Habang ang anak niyang si Shen ay kumukuha ng culinary arts sa isang vocation school.
Ayon sa ina, inakala umnao nito na kung mararanasan ng anak ang hirap ng pagtitinda ay seseryosohin nito ang pag-aaral. Ngunit laking gulat nila nang makita ang sigasig ng anak sa pagtitinda.
Aniya, hindi man ito nagtagumpay sa tunay niyang plano ngunit pag-amin niya, hindi niya maiwasang purihin ang anak sa kasipagan nito.