Patay ang isang binatilyo matapos matusok ng bakal ang kanyang leeg sa barangay Imbalbalatong sa bayan ng Pozorrubio, dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si John Imbat, 15 anyos at residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, naglalaro noon ng basketball ang biktima kasama ang mga kaibigan at hinabol ang tumalbog na bola malapit sa kuliglig pero nawalan siya ng balanse.
--Ads--
Nabatid na mahilig umanong maglaro ng basketball ang biktima pero hindi akalain ng kanyang mga magulang na ito pala ang magiging dahilan ng maaga niyang kamatayan.
Tumama ang leeg ng biktima sa bakal na may habang 2-3 pulgada.