DAGUPAN CITY—Patay ang isang binata matapos mabangga at makaladkad pa ng pick-up sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Carlo Valdez, 27, at pauwi na sana sa kanilang bahay nang mabangga ito ng pick-up na minamaneho ni Eddie Lozano, residente sa lalawigan ng Benguet.

Nakaladkad pa sa kalsada ng 100 metro ang layo ang biktima na dahilan ng matinding tinamo nitong sugat sa katawan.

--Ads--

Ayon naman sa driver ng pick-up, nabigla na lamang ito nang mapansing mayroong taong nakapasok sa ilalim ng sasakyan.

Agad namang hinuli ang driver na nakabangga sa biktima.