DAGUPAN CITY- Patay ang isang 23 anyos na binata matapos itong maaksidente habang lulan ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Zone 4, Brgy. Catablan, lungsod ng Urdaneta.
Kinilala ang biktima na si Jun Palad, 23 anyos at residente ng Zone 3, Brgy. San Jose sa nabanggit na lungsod.
Sa imbistigasyon ng mga otoridad, pahilagang binabagtas ng biktma ang kalsada nang aksidente nitong mabangga ang rear portion ng isang tractor trailer na noon ay nakaparada sa gilid ng daan.
--Ads--
Dahil dito, nagtamo ang driver ng malalang pinsala sakanyang katawan. Nadala pa ito sa Urdaneta District Hospital para sana malapatan pa ng paunang lunas subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Nagpapatuloy ang imbistigasyon rito ng PNP.