DAGUPAN CITY– Arestado ang isang 19 anyos na binata matapos na magpost sa social media na nag aalok ng 200 million na pabuya sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ang suspek na si Fernando Dandan Jr ng San Jose City Nueva Ecija.

Ayon sa impormasyon, nakasaad pa sa post nito na dalhin sakaniya ang ulo ng pangulo at inilagay kung saan siya hahanapin kayat agad itong natunton ng kapulisan.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang suspek na humihingi ng tawad sa kaniyang nagawa.

Nahaharap naman ito sa kasong Inciting to sedition at Cybercrime Previnction Act of 2012.