DAGUPAN CITY- Maaaring makaranas ng pag-ulan at pagkulog pagkidlat ang rehiyon ng Ilocos dahil sa shearline, ayon ito sa national weather bureau.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, Public Information Officer ng Office of Civil Defense Region 1, bilang pagtugon ay nagpapatuloy ang kanilang monitoring partikular na sa Ilocos Norte dahil sa posibilidad na pagbaha at pagguho ng ulan.

Aniya, patuloy na rin ang kanilang koordinasyon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) 1 Operation Center para sa mga paghahanda ng mga Local Government Unit (LGU) kung may kinakailangan ilikas sa mga susceptible areas.

--Ads--

Patuloy din ang kanilang pagpapaala sa publiko lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ang pag-iingat at pagiging mapagmatyag sa ipaparanas na malalakas na pag-ulan.

Panatiliin din ang pagiging updated sa mga balita upang malaman agad ang maaaring epekto. Tiyakin aniyang makinig sa anumang abiso lalo na kung kinakailangan ang pag-likas.

Dagdag pa niya, maging handa sa mga kagamitan na kinakailangan.

Samantala, sinabi naman ni Pagsolingan na wala pang iniulat ang PAGASA na ang nasabign shearline ay epekto ng La Nina.