Mababa ang tyansa na maging bagyo ang binabanayang low pressure area sa loob ng Philippine area of responsibility.

Ayon kay Engr. Jose Estrada jr. Ang Chief Meteorologist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan na mananatiling low pressure area ito hanggang lumabas sa West Philippine Sea.

Kahit pa ganon ay maari pa rin itong magpaulan sa ilang bahagi ng bansa.

--Ads--

Saad nito na sa ngayon ay ito pa lamang ang kanilang binabantayang sama ng panahon dahil wala pang nakikita sa labas ng ating bansa.

Samantala, inaasahang nasa 2 o 3 bagyo ang posibleng pumasok o tumama ngayong buwan ng Agosto sa bansa.

Maari ding madagdagan kagaya din sa nangyari noong nakaraang buwan na nasa 4 na bagyo ang pumasok.

Maari namang makaranas parin ng mga isolated rain shower or thunderstorm kahit nakakaranas ng maalinsangang panahon.

Wala naman aniyang nakataas na gale warning sa karagatan dahil kalmado naman ang dagat sa ngayon.

Samantala, nasa neutral condition parin ang sistema ng panahon na aabot hanggang sa susunod na taon.

Sa kabilang banda, malaki ang epekto ng nararanasang paiba-iba ng panahon sa kalusugan ng tao kaya paalala nito na ugaliing magdala ng mga panangga sa init at ulan.