BOMBO DAGUPAN – Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na maging bagyo at pumasok sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Southern Luzon.

Sa Weather Forecast ng Weather Bureau kaninang 4:00 ng madaling araw nitong Linggo, Oktubre 20, huling namataan ang LPA sa labas ng PAR 1,395 kilometro ang layo sa silangan ng Southern Luzon.

Ang nasabing LPA ay posibleng pumasok ng PAR ngayong tanghali o gabi, at mabuo bilang isang bagyo sa susunod na 24 oras, ani Castaneda.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nakaaapekto na rin ang extension o trough ng LPA sa ilang bahagi ng bansa, kung saan inaasahan itong magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.

Inaasahan ding magdudulot ang trough ng LPA ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Eastern Visayas at Bicol Region.