Dagupan City – Binigyang linaw ng Eastern Communications ang bilis o speed level ng internet connection sa bansa.
Ayon kay Michael Castañeda, Vice President sa Sales Division ng Eastern Communications, ang internet connections sa bansa ay depende sa pinaggagamitan.
Gaya na lamang ng isang indibidwal na maituturing bilang isang negosyante, aniya, ang mga ito ay maituturing na kinakailangan ng malaking MB nang sa gayon ay maging sapat ang speed level na kinakailangan nila para sa kanilang negosasyon online.
Nilinaw rin nito na ang speed level sa isang internet connection ay nakabatay rin sa kung anong klaseng data subscription ang inavail ng isang consumer.
Binigyang diin pa ni Castañeda, kinakailangan na alamin muna kung saan gagamitin ang internet connection bago mag-avail upang maibigay ang angkop na bilis para rito.
Kaugnay nito, ipinagmalaki naman niya na ang Eastern Communications ay maituturing na pumapantay lamang sa bilis na ibinibigay sa ibang bansa, dahil na rin sa sumasali ang mga ito sa mga workshops at seminars, dahilan upang mas nadedevelop at mas lumalago ang kanilang serbisyo sa mamamayan.
Inisa-isa naman muli ni Castañeda na ang internet globally ay mas nagbibigay ng advantage sa publiko, hindi lamang sa komunikasyon, kundi pati na rin sa pagbibigay ng impormasyon sa madaling paraan.