Ipinahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan ang naging bilang ng sunog sa nakalipas na tatlong linggo ng Enero kung saan ang grass fires ang pinakamadalas na naitatala.

Ayon kay FSsupt. Marvin T. Carbonel, Provincial Fire Marshal, umabot na sa 34 na sunog ang naitala nila as of January 26.

Karamihan sa mga ito ay maliliit at agad namang naapula, ngunit kasama rin dito ang mga sunog sa mga kabahayan, poultry, sasakyan, at damuhan.

--Ads--

Bukod dito, dahil sa matagalang kawalan ng ulan, tuyo ang mga damo at dahon, na nagiging sanhi ng madaling pagkalat ng apoy na siyang dahilan ng grassfire.

Kaya sa pamamagitan nito, pinaalalahanan ng BFP ang publiko na maging maingat at sundin ang mga safety tips gaya ng pag-was sa pagsisindi ng apoy sa mga lugar na madaling masunog, tiyakin na patay ang upos ng sigarilyo bago itapon, kung kinakailangan magsunog, huwag itong iwanan at maghanda ng tubig o anumang pamatay-apoy, at regular na i-check ang mga electrical wirings at kagamitan sa bahay.

Hinihikayat ang lahat na agad na ipagbigay-alam sa BFP ang anumang insidente ng sunog sa kanilang lugar at unahin ang pagtawag kaysa pagkuha ng video upang mas mabilis na makatugon ang mga bumbero para hindi na mauwi sa malalang sitwasyon.